Friday, January 6, 2023

Vlogger Kiefer Brosse, arestado matapos manggahasa ng kaibigan!


Arestado ang komedyanteng vlogger na si Daniel Butas o mas kilala bilang Kiefer Brosse matapos gahasahin ang kanyang sariling kaibigan. 

Kilala si Kiefer Brosse dahil sa kanyang mga nakakatawang video at content na ibinabahagi sa social media. Marami ang humahanga at natutuwa sa komedyante dahil sa husay nito sa pagpapatawa. 

Kaya naman, marami ang nagulantang nang mapag-alaman na wanted pala ang vlogger dahil sa panggagahasa nito sa kanyang sariling kaibigan. Di umanoy, nangyari ang nasabing insidente bandang Hunyo at Hulyo ng taong 2021. Habang sila raw ay bumabiyahe patungong Tagaytay ay nangyari ang panggagahasa. 

Sa bisa ng warrant of arrest ng General Trias Police, agad na naaresto ang komedyante noong January 4, 2023. 

"Itong insidente ay nangyari last last year, 2021, mga bandang June o July. Nangyari raw insidente sa Tagaytay at Dasmarinas," salaysay ng Chief ng General trias police. 

Samantalang, umamin naman si Daniel Butas na may nangyari sa kanila ng kanyang kaibigan pero hindi niya raw inaasahan na magdedemanda ito. 

Saad niya, "Pumunta ako sa bahay nila pero hindi niya ako kinakausap."

Hiling ng suspek na sana ay makausap niya ang kanyang kaibigan at maareglo kung ano man ang nangyari. 

"Sana ano... maayos na 'to. Maaregalo natin 'to," dagdag pa ng vlogger. 

Ayon pa sakanya, wala raw siyang natanggap na kahit anong subpoena at nagulat na lamang siya nang may warrant of arrest na siya. 

"Gulat na gulat po ako, halos muntik na nga po akong himatayin e," anito. 

Humihingi ang komedyante ng kapatawaran sa kanyang kinakasama at kanyang mga tagasubaybay. 

Sa ngayon ay kasalukuyang nananatili ang vlogger sa kustodiya ng General Trias Police.