Tuesday, January 3, 2023

Ina ni Anne Curtis, proud na ipinakilala ang kanyang boyfriend!



Masayang ibinahagi ni Carmen Ojales Curtis-Smith, ina ng aktres na sina Anne at Jasmine Curtis ang estado ng kanyang puso sa nakalipas na walong buwan.

Sa kanyang social media accounts, proud na proud na ibinabandera ni Carmen ang lalaking nagpapatibok sa kanyang puso. Mula pa raw noong May ay karelasyon na niya ang lalaking nagngangalang Jayde. Ito ay 40 taong gulang na at kasalukuyang naninirahan sa Dubai.

Maituturing na LDR o Long Distance Relationship ang samahan ng dalawa dahil kasalukuyan namang naninirahan si Carmen sa Australia.

Gayunpaman, pumabor naman sa kanila ang tadhana dahil magkasama nilang ipinagdiwang ang nakalipas na holiday season.

Sa isa sa mga videos na ibinahagi ni Carmen sa kanyang Tiktok account, makikita na sinundo nito ang kanyang boyfriend sa airport kasama ang kanyang anak na si Jasmine.

Hinuha ng publiko, nangangahulugan lamang ito na suportado ng aktres ang kaligayahan ng kanyang ina.


Samantalang tuloy tuloy naman si Carmen sa pagbabahagi ng masasayang aktibidad na ginagawa nila ni Jayde sa kanyang Tiktok account. Makikita rito na talagang sinusulit ng dalawa ang bawat sandali na sila ay magkasama.

Samantalang panawagan naman ni Carmen na sana raw ay maging masaya na lang ang mga tao sa kanilang relasyon. Ayon sa kanya, hindi basehan ang edad, kasarian o kahit ano pa man sa pagmamahal. Dahil ayon sa kanya, LOVE is LOVE.

“Just Love no hate be happy for us bocz there is no exact definite reason for love, Its just LOVE is LOVE,” caption nito sa kanyang video.


Dagdag pa niya, “Love is love there is no age, gender, limits,boundaries, nor a perfect timing is just happen called love magic."