Willie Revillame, humiling ng dasal mula sa publiko dahil sa malubhang karamdaman
Isang malungkot na balita ang ibinahagi ng TV host at komedyante na si Willie Revillame nitong Huwebes sa kanyang YouTube show na Wowowin.
Humingi ito ng panalangin mula sa kanyang mga tagahanga matapos makitaan ng mga polyps sa kanyang colon at tiyan.
Ayon sa kanya, dalawang taon daw ang makalipas bago siya muling nakapagpa-check up at ito nga ang nalaman ng kanyang mga doktor.
Pinangangambahan daw sa ngayon na baka ito ay mauwi sa cancer.
Pagbabahagi niya, "Meron akong stapler kaya 'di ako makasayaw at makakanta. Nagkaroon ako ng colonoscopy, endoscopy, sa heart, lahat,"
"Merong nakita polyps sa'kin, isa sa colon at isa sa stomach. Medyo malaki po, one centimeter ‘yung sa stomach at ito po ay — sana 'wag naman — pero prone ata po ito sa cancer."
"Hinihingi ko lang na sana ipagdasal niyo ako na hindi maging cancer ‘yon para tuloy-tuloy ako sa inyo," dugtong pa nito.
Ayon pa sa TV host, 2019 pa raw noong makitaan siya ng mga polyps o bukol na tumutubo ngunit sinabi raw ng kanyang mga doktor na ito ay non-cancerous.
Sa ngayon ay naghihintay pa raw siya ng resulta tungkol sa kanyang kalagayan. Kung sakali man na hindi maganda ang maging resulta ng kanyang check-up, baka hindi muna raw siya mapanood ng publiko dahil kakailanganin niyang magpagaling.
"Ipagdasal niyo ako na sana naman ay hindi maging cancerous 'yung tinanggal sa akin na polyps. Monday pa kasi malalaman kasi ima-microscope pala 'yun... Tuesday [sabi ng doktor], 'Pwede ka na naming operahan.' Sana 'wag naman," aniya.
Sa huli ay pinayuhan nito ang publiko na mag-ingat at alagaan ang kanilang kalusugan.
“Wala akong nararamdaman pero meron pala kong polyps na gano’n so advice ko sa inyo na magpa-check up kayo. Nandyan ang ating mga dalubhasa,” lahad ni kuya Wil.
Dugtong nito, “Tingnan niyo, ako di ko inexpect na gano’n. Wala akong nararamdaman pero meron palang nakadikit sa aking stomach.”
Ano ang iyong reaksyon dito? Share your thoughts!
Willie Revillame, humiling ng dasal mula sa publiko dahil sa malubhang karamdaman
Reviewed by Roxy
on
March 29, 2022
Rating:

Post a Comment