Nagiging adik na nga ba si Toni Fowler sa pagpaparetoke? Toni Fowler, bumwelta sa komento ng netizen sa kanyang pagpaparetoke! Tinawag na "palamunin"
Hindi lingid sa kaalaman ng publiko lalo na ng mga taong sumusuport kay Toni na marami na itong ipinagawa at ipinabago sa kanyang katawan.
Ang latest nga sa kanyang pagpaparetoke ay ang kanyang mata.
Kamakailan lamang nang proud na ibahagi ni Toni na na-achieve na niya ang matagal na niyang pangarap na hugis ng mata. Ayon sa kanya, dati pa niya gusto ng fox eye nang sa ganoon ay magmukha siyang maldita at mataray. Hindi kagaya ng mata niya noon na parang palaging malungkot at walang kaemo-emosyon.
Masaya ang blogger sa kinalabasan ng kanyang pagpaparetoke ngunit marami ang pumupuna rito. Ang ilan pag ay sinasabing tagahanga niya ngunit hindi masaya sa kanyang desisyon sa pagpaparetoke.
Ayon sa mga ito, mas gusto raw nila ang itsura noon ng vlogger. Mas maganda raw noon ang natural na katawan at mukha ni Toni.
Komento ng isang netizen na nagpakilalang fan, "Hindi ka naman po gumanda... Mas maganda ka dating ung ang tunay mong ganda. Di mo po ako basher fan mo nga ako kaya I'm just telling the truth po."
Agaran naman itong sinagot ni Toni Fowler at sinabing kung totoong fan ito ay magiging masaya ito para sa naging desisyon niya at sa kaligayahan niya.
Bwelta ni Toni, “Kung fan ka talaga, alam mong unang una palang hindi ko hinihingi opinyon mo. Pangalawa, suporta ang dapat na ginagawa mo hindi side comment. Kung fan ka talaga dapat masaya ka para sakin. Di po ako basher mo, fb ko to kaya im telling the truth po.”
Samantalang sa twitter naman ay muling dinepensahan ni Toni ang kanyang sarili. Ayon sa kanya, okay lang na tawagin siyang "retokada" dahil ang mahalaga ay hindi siya palamunin sa bahay nila kagaya ng kanyang mga bashers.
Aniya, "Retokada daw ako. Ok lang atleast di ako tulad mo PALAMUNIN PADIN SA BAHAY NG NANAY MO."